Disclaimer: This is an open letter to all who don't value their word when it comes to paying on time. I just want to show ang kahalagahan ng friendship over money and how much is the effect to the creditors. I think these are the words that you will say to your borrowers.
Alam mo pinaghirapan ko yun kitain, humingi ka ng tulong at tinulungan kita. Nangako ka, di kita pnagdudahan dahil friends tayo. Mahalaga ang friendship natin pero pinagpalit mo lang ako sa THIS AMOUNT of MONEY. Ang sakit isipin na di mo lang ako tinakbuhan pero you also blocked me sa FB. Whenever I call you di ka na sumasagot. Parating the number you are calling cannot be reach. I tried to reach you sa employer number mo kaso wala ka raw parati, ang malala nito ay nag-resign ka na raw. Nagsabi ako ng totoo para matulungan kita. Pwede naman akong mag lie na di kita mapapahiram ng pera that time pero ang sama ko naman kung mag lie ako diba?
Ang pera na yun pwede ko na matulong sa family ko, pero till now di mo pa nababalik dahil sa may sakit ka, wala kang trabaho, wala pa sahod. Grabe yung patience ko sa'yo para lumapit ka sa'kin. Nung ako na ang naningil ikaw pa ang galit. Ako pa ang nabaligtad, pinagkalat mo sa friends natin na wala akong puso at di raw kita maintindihan.
Alam mo okay lang mangutang kaso mas okay kung magbabayad ka on time diba. Ang galing mo magsabi ng deadline di mo naman matupad tupad. Kulang na lang puntahan na kita sa bahay niyo para singilin ka. Sana lang maisip mo na kelangan ko na rin yung hiniram mong pera. Sa abot ng aking makakaya pinagkatiwalaan kita, ni sorry wala ka man lang pasabi. Ang masakit pa pangalawang beses mo na ito ginawa. Akala ko ba di na mauulit na late ka magbayad. Hayyy, so frustrating sana lang maalala mo ko at yung mga ibang pinagkakautangan mo.
Yours Truly
Creditor
If you have questions send me an email at david_angway@yahoo.com
David Isaiah Angway is a Registered Financial Planner and a Financial Evangelist
No comments:
Post a Comment